read at your own risk

BLOG KO TO!!!

Friday, August 26, 2005

between god and the agnostic

scene: sa harap ng computer.

diyos: huy, ano't nakatanga ka jan?
agnostic: (medyo nagulat pa) ah, nag-iisip ng isusulat sa blog.
diyos: write about our conversation now.
agnostic: yeah, i think that's what i should do. what's up?
diyos: the ceiling
agnostic: pansin mo di na naman ako nagdadasal?
diyos: onga, okay ka na naman?
agnostic: konting-konti na lang. i'll be very fine soon.
diyos: you went through a lot.
agnostic: oh do tell.
diyos: kumusta ka?
agnostic: hayy, i'm not very sure. though i slept better last night, at medyo madami kinain ko ngayong araw na to. mamaya munngo at paksiw ulit.
diyos: minsan kamo nakakatawa ka. one day you're ok, the next day you're not, tapos sasabihin mo na naman ok ka. sabi mo din, you only talk to me when you have problems. but now you're talking to me again.
agnostic: eh, ikaw kaya ang unang bumati.
diyos: onga, alam ko kasing gusto mo makipag-usap pero nasa denial ka pa.
agnostic: hah-hah, denial ka dyan!! wala lang akong sasabihin talaga. ikaw baka meron.
diyos: just some thoughts.
agnostic: fire away.
diyos: narinig ko kwento mo kay nina. narinig ko din mga sinabi nya sayo. i'm glad that kahit papano nakakatulong talaga ako sayo kahit di ka masyado naniniwala at kahit everytime kausap mo ko eh lingon ka ng lingon kung may makakakita sayong nagdadasal.
agnostic: yeah, there's a psychological dimension to praying kasi. tama naman di ba? pucha, akala mo ba madali makipag-usap sa hangin, mag-isip na merong totoong nakikinig sakin. i look like a fool when i pray. but somehow, like i said, praying is actually talking to oneself, isip ko rin ang sumsagot sa mga tanong ko. if at all, you, the god, exist inside me.
diyos: diyos ka din? ganon?!
agnostic: haha, hindi siguro kasi walang mga nagdadasal sa kin.
diyos: ang kaibahan kasi pag nakikipag-usap ka sakin it really makes you feel na may kasama ka. somehow, you don't feel alone, and it helps to think that the realizations that come to you as you pray actually came from an enlightened one. i just don't know how it's going to affect you later, head person ka kasi talaga, sa halip na tanggapin mo na lang na may diyos na sumasagot sayo, eto at nagra-rationalize ka na naman kung totoo ako o hindi.
agnostic: sino ko diyos? i mean, what do you call me?
diyos: si agnostic.
agnostic: need i say more?.... pero diyos, nagtatampo ka ba na i doubt if there's really a god? what does that make you feel na naaalala lang kita during times like this.
diyos: ang sabi ng mga nagtuturo ng relihiyon mo nagagalit ako. na utos ko sa inyo na magdasal kayo sakin. but you know, i don't really mind if you don't pray. i just want people to love, respect and care for one another. people never prayed before. for some people, and they are many, i don't even exist. pero kaya naman ng mga tao na maging mabuti sa isa't-isa kahit wala ako.
agnostic: eh kasi daw may incentive pag nagmahal ka ng kapwa ng dahil sa diyos. the life after death, you know that stuff. yung konsepto ng heaven na masaya, maganda, peaceful.
diyos: bakit kailangang kong pangakuan ang mga tao ng magandang buhay pagkatapos mamatay? bakit kailangang parang bata ang mga tao na bibigyan mo ng kendi pag nagpakabait. bakit kailangang takutin na masususunog sa impyerno ang kaluluwa ng masasama?
agnostic: ahhh, diyos...eh, shouldn't i be asking that, at dapat ikaw ang nagbibigay ng sagot? that's what led me to being agnostic di ba?
diyos: aba onga ano, hehe, agnostic na din yata ako.
agnostic: haha, welcome to the club.
diyos: sira! sige ka la ka pagdadasalan pag may problema ka ulit.
agnostic but you know, i thought of it just now, mahirap yata din yung gusto mo na love, repsect and care lang.... kasi may ibang human emotions eh. may anger, sadness, hatred, jealousy. parang mas marami ngang negative emotions kesa postive eh. come to think of it.
diyos: onga. that comes with the need to survive, actually. imaginin mo agnostic, kunyari there's something you really want or need for yourself, pero nag-iisa lang yon sa mundo. tapos other people want it or need it for themselves too. anong gagawin mo? kung love and care and happiness, pareho-pareho kayo na ibibigay nyo sa isa't-isa. eh di masaya kayo na naibigay nyo, pero, yung isa who got it ang magpapasaya sa kanya eh yung maibigay din yun sa for the same reasons. anong mangyayari?
agnostic: wala ng makakaangkin nong bagay na yon.
diyos: precisely.
agnostic: eh di hiraman na lang.
diyos: oo nga no. yeah, yeah, why not.
agnostic: BECAUSE hindi ganon ang human nature. masyadong hypothetical eh.
diyos: oh, so now you're talking. you should realize by this time that because of human nature and with all the emotions that make you human imposibleng walang malulungkot o masasaktan.
agnostic: hey, this isn't about me, is it?
diyos: yes, it is. you are at this time still upset somehow over something. it's not making you happy. so you gotta do something to get over it and survive.
agnostic: pero may iba namang maaapektuhan.
diyos: eh ganon nga eh. unless na okay sayo ikaw yon. can you take it?
agnostic: hmmm. god, i really don't believe this. are you suggesting that i be bad?
diyos: (a chuckle). i'm not saying you should be bad. i'm saying you should do something to survive.
agnostic: nicely put. i like that. hmmm, okay, i'll be bad.
diyos: makulit talaga lahi mo. survive! not be bad.
agnsotic: pareho din yon diyos, i'll do something to survive and people will think i'm bad. what difference does it make?
diyos: the difference lies in how people would take your actions. it depends on where they're coming from.
agnostic: pero ganon din syempre rationalization ng ibang tao. i mean, they would also justify yung actions nila. and they would also say na they're not bad, just trying to survive at bahala na ang ibang tao sa buhay nila kung ano gusto isipin.
diyos: indeed. so what's your worry?
agnostic: may mga masaapektuhan ako. do i want that?
diyos: hay naku, di ka pwedeng sumali sa Starstruck. you can't dream, believe, survive.
agnostic: tsaka 15-18 years old lang pwede don.
diyos: palit kaya tayo ng lugar, masyado kang mabait. daig mo pa ang diyos. ako na lang sa pwesto mo. ikaw dito. AKO NA LANG SASALI STARSTRUCK!!!!

Thursday, August 18, 2005

death is teasing me

damn it, tumama ulo ko sa sink as i tried to reach for the shampoo pero biglang nadulas ang kamay ko!! hilo pa din ako hanggang ngayon. not my idea of dying. ilang beses na the past two months na muntik akong masagasaan, mabangga ang sinasakyan kong taxi. ilang beses na din na nauuntog ako sa banyo. diyos naman, alam mo namang ayaw ko ng pangit na pagkamatay. at ayaw kong nakahubad na mamatay!!!!

Friday, August 12, 2005

kwentuhan ng diyos at agnostic

setting: sa kwarto, nakaupo si agnostic sa gilid ng kama, wala lang...

diyos: o, napapadalas yata ang pagpaparamdam mo.
agnostic: oo nga eh, nakukulitan ka na ba?
diyos: ako pa!..okay nga sakin kasi baka makumbinsi ka na na diyos nga ako.
agnostic: kung sabagay, ang demonyo nga naniniwala na may diyos eh (pause)...kaso hindi rin ako naniniwala sa demonyo.
diyos: well, at least fair lang. so what is it this time?
agnostic: eh medyo lungkot pa din ako, ang hirap.
diyos: pasensya ka na at kasama yan sa mga kailangan mong daanan. kung si kristo nga bago naka-akyat sa langit eh na-torture muna ng todo-todo.
agnostic: hmmm, minsan nga mas gusto ko pa yung physical pain,a t least yun inuman mo lang ng gamot mawawala na. pero hindi ko sinabing okay ma-torture ha.
diyos: may physical pain ka din naman.
agnostic: true!! ang daya mo naman, dobleng pahirap.
diyos: eh ganon kayong mga tao eh, may katawan ka kaya may sumasakit sayo. kaya nga dapat ingatan nyong mga tao ang katawan nyo.
agnostic: (nakapangalumbaba) hay buhay (sigh)
diyos: hayaan mo munang masaktan ka, lilipas din yan.
agnostic: kelan?
diyos: it will be up to you kung kelan mo gusto ng iwanan yang mga sakit sa katawan mo at sa isip mo. kung papapatali ka sa hindi magagandang bagay at iisipin mo eh puro yung bad trip you'll be stuck sa miseries.
agnostic: sa isip? are you saying it's all in the mind?
diyos: o bakit, di ba nga?
agnostic: bakit ganon diyos, bakit kailangang nahihirapan ang tao, kahit hindi ako, kahit iba?
diyos: human follies
agnostic: hindi ba pwedeng puro magaganda na lang ang nangyayari?
diyos: ganon ba ang gusto mo? di ba walang thrill yon?
agnostic: hindi rin... kung ako ikaw, hindi ko iimbentuhin ang hatred at anger, tsaka greed na din.
diyos: ano lang?
agnostic: love lang, happiness....gusto ko masaya lahat ng tao. hindi sila mag-aaway, hindi mag-aagawan, hindi nila sasaktan ang bawat isa. gusto ko lahat ng mukha nakangiti.
diyos: sa langit ganon.
agnostic: ehem, hindi din ako naniniwala sa langit. hindi nga ko naniniwala na may life after death eh. speaking of life and death.... ikaw ba talaga ang nagbibigay ng buhay sa tao.
diyos: depende sa paniwala mo.
agnostic: kung ikaw nga ang nagbibigay, kunyari yung buhay ko, would you take my life back? i mean, soon?
diyos: gusto mo na mamatay?
agnostic: ah, wish ko talaga yun noon pa di ba?
diyos: mag-suicide ka.
agnostic: putsa, diyos ka ba talaga? di ba kasalanan yon? pinapag-suicide mo ko?!!!
diyos: hahhaha, hindi no. joke lang. takot mo lang.
agnostic: oy di ako takot mag-suicide, kahit hindi i-bless ng pari ang katawan ko okay lang sakin. mas problema ko pa yung paraan ng pagkamatay na maganda pa rin ako at hindi mahirap.
diyos: onga, tagal mo nang wish yang mamatay, at 50 right?
agnostic: well, at the latest, yes. sa ayaw mo at sa gusto. by then ayoko ng mabuhay. actually, ayokong tumanda.
diyos: nagbasa ka kasi ng veronika decides to die eh.
agnostic: ang kwela non, galing yung simula non, ganung-ganon ang pakiramdam ko eh, ganon ang gusto kong isipin on the day that i decide to die.
diyos: hindi sya natuloy magpakamatay.
agnostic: ah yun nga lang, yun ang ayaw kong part...bad trip naman si coehlo. kung ako ang tatapos non, i'll let veronika die, tapos ipakita na lang gano sya kasaya na patay na sya, tapos makikita nya yung mga ibang mga nauna nang namatay sa oras sa oras na gusto na nila. tapos magkikiwentuhan sila. masaya di ba?
diyos: sabi mo di ka naniniwala sa life after death.
agnostic: fiction naman yung libro na yon. kaya ok lang na may konsepto ng life after death...para di matakot yung ibang babasa. kesa naman don sa mga kung anu-anong sinasabi na ang mga nagsi-suicide eh mapupunta sa impyerno. tsaka kung walang life after death dun sa kwento di isang chapter lang libro dahil wala ng pag-uusapan.
diyos: bakit mo ba gustong mamatay?
agnostic: lahat naman ng tao mamamtay.
diyos: pero di lahat ng tao eh gustong mamatay. if they could live forever they would.
agnostic: baka di pa sila kuntento sa buhay, madami pang gustong gawin, o kaya marami silang kasalanan at takot masunog mga kaluluwa nila.... ako naman okay na eh, pinahirapan mo na ko, pinasaya mo na ko, na-enjoy ko naman buhay kahit papano...ano pa gagawin ko? sigurado naman ako na kung may impyerno eh di ako don mapupunta.
diyos: baka marami ka pang dapat gawin sa mundo gn mga buhay.
agnostic: like?
diyos: ipagkalat mo na kahit di ka masyado naniniwala sa diyos eh hindi ka gumagawa ng makakasakit sa iba, na di ka nang-aapi, at kung anu-ano pang kabutihan ek ek mo. kesa sa ibang dasal ng dasal eh naku po, wala namang ginawa kundi manloko ng kapwa. baka makahawa ka, baka mas gumanda buhay ng tao
agnostic: hay naku, kung ganyan ang dapat ginagawa ng mga mababait (ehem), bakit sila lagi ang madaling mamatay?
diyos: baka kasi dahil feeling nila wala silang ginagawang masama kaya hindi nag-iingat, yan tuloy, naaaksidente, nasasaksak, hahahaha.
agnostic: sira ka din.
diyos: kasi ngayon ko lang din naisip dapat pala ang mga kinukuha ko agad yung mga taong masasama para ma-purify ang humanity.
agnostic: onga, lam mo, dapat yung mga taong ang ginagawa lang sa mundo eh manakit ng kapwa, mang-agaw, magpahirap...tsaka yung mga taong wala namang magagawa ng mabuti sa mundo, dapat nagpapahinga na lang.
diyos: oh well. eh teka bakit ba kasi dun napunta usapan. di ba kaya ka andito eh kasi malungkot ka pa din.
agnostic: ah, medyo nabawasan habang nagkikwentuhan tayo.
diyos: ang bilis mo naman maging okay.
agnostic: kasi nga madali naman akong mag-appreciate ng magagandang nangyayari sakin di ba. kahit konti lang yun, at least meron.
diyos: that's the idea. so lungkot ka pa?
agnostic: konti pa rin. but i'm fine now.
diyos: so ano pang gusto mo?
agnostic: ah, magplantsa ng uniform ng anak ko... may pasok pa nga pala bukas.
diyos: o sya balik ka ha.
agnostic: balik? alam mo naman nakikipagkwentuhan lang ako sayo ng ganto kahaba pag may problema ako tapos sasasbihan mo ko ng balik ako, para mo na rin sinabing mamroblema ulit ako!!
diyos: ang daya mo talaga.
agnostic: ikaw kaya ang madaya. sabi mo mabait ako, dapat la na kong problema.
diyos: eh kung wala kang problema, patay ka na non.
agnostic: aha!!! sinasabi ko na nga ba't ang death ay end of miseries at eternal rest na yon eh.
diyos: magplantsa ka muna bago ka mag-isip ng kamatayan. dami mo pa palang gagawin eh!
agnostic: yeah, yeah. o sige. trabahong buhay muna ko. salamat ha.
diyos: anytime

Friday, August 05, 2005

the gift - jim brickman

winter snow is falling down
children laughing all around
lights are turning on
like a fairy tale come true

sitting by the fire we made
you're the answer when i prayed
i would find someone
and baby i found you

all i want is to hold you forever
all i need is you more every day
you saved my heart
from being broken apart
you gave your love away
and i'm thankful every day
for the gift

watching as you softly sleep
what i'd give if i could keep
just this moment
if only time stood still

but the colors fade away
and the years will make us grey
but baby in my eyes
you'll still be beautiful

all i want is to hold you forever
all i need is you more every day
you saved my heart
from being broken apart
you gave your love away
and i'm thankful every day
for the gift

all i want is to hold you forever
all i need is you more every day
you saved my heart
from being broken apart
you gave your love away
i can't find the words to say
that i'm thankful every day
for the gift


wala lang, sarap lang kantahin pag di makatapos ng report

Wednesday, August 03, 2005

Take Some Risk....

To laugh is to risk appearing the fool.

To weep is to risk appearing sentimental.

To reach out for another is to risk involvement.

To expose feelings is to risk exposing your true self.
To place your ideas, your dreams,
before the crowd is to risk their loss.

To love is to risk not being loved in return.
To live is to risk dying.

To hope is to risk despair.

To try is to risk failure.

But this risk must be taken, because the greatest
hazard in life is to risk nothing.

The person who risk nothing does nothing,
has nothing and is nothing.

He may avoid suffering and sorrow,
but he simply cannot learn, feel, change,
grow, love, live...
chained by his certitudes,
he is a slave;
he has forfeited freedom.

ONLY A PERSON WHO RISK IS FREE.

- unknown -