kwentuhan ng diyos at agnostic
setting: sa kwarto, nakaupo si agnostic sa gilid ng kama, wala lang...
diyos: o, napapadalas yata ang pagpaparamdam mo.
agnostic: oo nga eh, nakukulitan ka na ba?
diyos: ako pa!..okay nga sakin kasi baka makumbinsi ka na na diyos nga ako.
agnostic: kung sabagay, ang demonyo nga naniniwala na may diyos eh (pause)...kaso hindi rin ako naniniwala sa demonyo.
diyos: well, at least fair lang. so what is it this time?
agnostic: eh medyo lungkot pa din ako, ang hirap.
diyos: pasensya ka na at kasama yan sa mga kailangan mong daanan. kung si kristo nga bago naka-akyat sa langit eh na-torture muna ng todo-todo.
agnostic: hmmm, minsan nga mas gusto ko pa yung physical pain,a t least yun inuman mo lang ng gamot mawawala na. pero hindi ko sinabing okay ma-torture ha.
diyos: may physical pain ka din naman.
agnostic: true!! ang daya mo naman, dobleng pahirap.
diyos: eh ganon kayong mga tao eh, may katawan ka kaya may sumasakit sayo. kaya nga dapat ingatan nyong mga tao ang katawan nyo.
agnostic: (nakapangalumbaba) hay buhay (sigh)
diyos: hayaan mo munang masaktan ka, lilipas din yan.
agnostic: kelan?
diyos: it will be up to you kung kelan mo gusto ng iwanan yang mga sakit sa katawan mo at sa isip mo. kung papapatali ka sa hindi magagandang bagay at iisipin mo eh puro yung bad trip you'll be stuck sa miseries.
agnostic: sa isip? are you saying it's all in the mind?
diyos: o bakit, di ba nga?
agnostic: bakit ganon diyos, bakit kailangang nahihirapan ang tao, kahit hindi ako, kahit iba?
diyos: human follies
agnostic: hindi ba pwedeng puro magaganda na lang ang nangyayari?
diyos: ganon ba ang gusto mo? di ba walang thrill yon?
agnostic: hindi rin... kung ako ikaw, hindi ko iimbentuhin ang hatred at anger, tsaka greed na din.
diyos: ano lang?
agnostic: love lang, happiness....gusto ko masaya lahat ng tao. hindi sila mag-aaway, hindi mag-aagawan, hindi nila sasaktan ang bawat isa. gusto ko lahat ng mukha nakangiti.
diyos: sa langit ganon.
agnostic: ehem, hindi din ako naniniwala sa langit. hindi nga ko naniniwala na may life after death eh. speaking of life and death.... ikaw ba talaga ang nagbibigay ng buhay sa tao.
diyos: depende sa paniwala mo.
agnostic: kung ikaw nga ang nagbibigay, kunyari yung buhay ko, would you take my life back? i mean, soon?
diyos: gusto mo na mamatay?
agnostic: ah, wish ko talaga yun noon pa di ba?
diyos: mag-suicide ka.
agnostic: putsa, diyos ka ba talaga? di ba kasalanan yon? pinapag-suicide mo ko?!!!
diyos: hahhaha, hindi no. joke lang. takot mo lang.
agnostic: oy di ako takot mag-suicide, kahit hindi i-bless ng pari ang katawan ko okay lang sakin. mas problema ko pa yung paraan ng pagkamatay na maganda pa rin ako at hindi mahirap.
diyos: onga, tagal mo nang wish yang mamatay, at 50 right?
agnostic: well, at the latest, yes. sa ayaw mo at sa gusto. by then ayoko ng mabuhay. actually, ayokong tumanda.
diyos: nagbasa ka kasi ng veronika decides to die eh.
agnostic: ang kwela non, galing yung simula non, ganung-ganon ang pakiramdam ko eh, ganon ang gusto kong isipin on the day that i decide to die.
diyos: hindi sya natuloy magpakamatay.
agnostic: ah yun nga lang, yun ang ayaw kong part...bad trip naman si coehlo. kung ako ang tatapos non, i'll let veronika die, tapos ipakita na lang gano sya kasaya na patay na sya, tapos makikita nya yung mga ibang mga nauna nang namatay sa oras sa oras na gusto na nila. tapos magkikiwentuhan sila. masaya di ba?
diyos: sabi mo di ka naniniwala sa life after death.
agnostic: fiction naman yung libro na yon. kaya ok lang na may konsepto ng life after death...para di matakot yung ibang babasa. kesa naman don sa mga kung anu-anong sinasabi na ang mga nagsi-suicide eh mapupunta sa impyerno. tsaka kung walang life after death dun sa kwento di isang chapter lang libro dahil wala ng pag-uusapan.
diyos: bakit mo ba gustong mamatay?
agnostic: lahat naman ng tao mamamtay.
diyos: pero di lahat ng tao eh gustong mamatay. if they could live forever they would.
agnostic: baka di pa sila kuntento sa buhay, madami pang gustong gawin, o kaya marami silang kasalanan at takot masunog mga kaluluwa nila.... ako naman okay na eh, pinahirapan mo na ko, pinasaya mo na ko, na-enjoy ko naman buhay kahit papano...ano pa gagawin ko? sigurado naman ako na kung may impyerno eh di ako don mapupunta.
diyos: baka marami ka pang dapat gawin sa mundo gn mga buhay.
agnostic: like?
diyos: ipagkalat mo na kahit di ka masyado naniniwala sa diyos eh hindi ka gumagawa ng makakasakit sa iba, na di ka nang-aapi, at kung anu-ano pang kabutihan ek ek mo. kesa sa ibang dasal ng dasal eh naku po, wala namang ginawa kundi manloko ng kapwa. baka makahawa ka, baka mas gumanda buhay ng tao
agnostic: hay naku, kung ganyan ang dapat ginagawa ng mga mababait (ehem), bakit sila lagi ang madaling mamatay?
diyos: baka kasi dahil feeling nila wala silang ginagawang masama kaya hindi nag-iingat, yan tuloy, naaaksidente, nasasaksak, hahahaha.
agnostic: sira ka din.
diyos: kasi ngayon ko lang din naisip dapat pala ang mga kinukuha ko agad yung mga taong masasama para ma-purify ang humanity.
agnostic: onga, lam mo, dapat yung mga taong ang ginagawa lang sa mundo eh manakit ng kapwa, mang-agaw, magpahirap...tsaka yung mga taong wala namang magagawa ng mabuti sa mundo, dapat nagpapahinga na lang.
diyos: oh well. eh teka bakit ba kasi dun napunta usapan. di ba kaya ka andito eh kasi malungkot ka pa din.
agnostic: ah, medyo nabawasan habang nagkikwentuhan tayo.
diyos: ang bilis mo naman maging okay.
agnostic: kasi nga madali naman akong mag-appreciate ng magagandang nangyayari sakin di ba. kahit konti lang yun, at least meron.
diyos: that's the idea. so lungkot ka pa?
agnostic: konti pa rin. but i'm fine now.
diyos: so ano pang gusto mo?
agnostic: ah, magplantsa ng uniform ng anak ko... may pasok pa nga pala bukas.
diyos: o sya balik ka ha.
agnostic: balik? alam mo naman nakikipagkwentuhan lang ako sayo ng ganto kahaba pag may problema ako tapos sasasbihan mo ko ng balik ako, para mo na rin sinabing mamroblema ulit ako!!
diyos: ang daya mo talaga.
agnostic: ikaw kaya ang madaya. sabi mo mabait ako, dapat la na kong problema.
diyos: eh kung wala kang problema, patay ka na non.
agnostic: aha!!! sinasabi ko na nga ba't ang death ay end of miseries at eternal rest na yon eh.
diyos: magplantsa ka muna bago ka mag-isip ng kamatayan. dami mo pa palang gagawin eh!
agnostic: yeah, yeah. o sige. trabahong buhay muna ko. salamat ha.
diyos: anytime
4 Comments:
This comment has been removed by a blog administrator.
hehe, nagbate instead na mag-suicide? sabagay, nakaka-release ng tension yun.
In the Japanese novel Kokoro,suicide was seen as an effort to free oneself from the fetters of this world. It is a act of freedom from the constraints, immateriality, and deadening routine of this life so as to achieve a higher plane of existence.
The character in the story wrote a suicide note reproaching himself for not commiting suicide a little earlier. Instead of fear, or depression the character who committed suicide felt a sense of elation at the thought that he has finally decided to kill himself.
personnally i believe that suicide should be a choice sanctioned by society for people who sees no sense in continuing their lives. Ancient Greece did this why can't we?
ah, Kokoro would be my next favorite book at tatanggalin ko na sa listahan ang veronika decides to die.
wag sana kong magka-apo at the age of 50 at baka umataras ako s aplano ko.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home