read at your own risk

BLOG KO TO!!!

Saturday, July 02, 2005

nawawalang blog

gumawa ako ng hiwalay na blog, yung ako lang ang may alam. yung hindi alam ng ibang nagbabasa ng blog ko, yung pag may naligaw ay magbabasa lang kung maganda ang nakasulat at wala lang kung di naman interesting ang post ko. para sana don ako magsulat ng magsulat ng magsulat ng most intimate thoughts ko, para sana yun ang maging outlet ko kasi may mga bagay na di ko pa pwede i-share sa mga taong kilala ako, pero likas akong madaldal at open about my thoughts and feelings kaya sana dun na lang sa blog na yon muna.

matapos ang mahigit sampung palit ng url dahil lahat ng pinili ko ay di daw available finally ay may tinannggap din ang blogger.com. naka-proceed din ako sa paggawa ng blog complete with altered profile, kaso nakalimutan ko ang username at password. ayan di tuloy ako makapag-post. ilang email na ang natanggap ko in trying to recover my username and password eh lalo lang gumulo ang buhay.

a few things i learned about life, pag nagiging open ang isang tao tungkol sa buhay nya dalawang bagay ang pwedeng mangyari. either maintindihan ka ng mga tao or maging prone ka sa mga misinterpretations and misperceptions nila about you. unti-unti kong natutunan ngayon na laging may risk sa pakikipag-relate sa mga tao, there's a greater risk if you trust a particular person with everything about you at di ka nya maintindihan. o di mo sya maintindihan. but i'm that kind of person who loves to trust, parang don umiinog ang buhay ko, nagsisimula ako lagi sa basic goodness ng mga tao at they can be trusted. iba-iba lang talaga ang mga takbo ng buhay ng bawat isa kaya iba-iba din ang pananaw at interpretasyon sa buhay. tapos sa sarili mo din may mga in-expect ka din from the people that you trust, at nakaka-disappoint pa-minsan pag di na-meet yung expectaions mo. in the same manner, nadi-disappoint din sila kapag di mo nami-meet expectations nila. ganon naman talaga.

kaya wag na lang akong magsalita, magsulat na lang ako. pero sana mahanap ko na yung nawawalang blog ko.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home