kwela ang dalawang serye ng hiv/aids seminar na ginawa namin in the last two weeks. kwela in a sense na iba-iba personality ng mga taong um-attend, although i'm already familiar with most of them kasi mga dati nang nagpa-participate sa trainings namin it was only during that time that i was able to mingle with them kahit ako pa rin ang punong abala.
kwela na kahit marami sa kanila ay nagkakakila-kilala na last year sa VAW and Human Rights training eh ngayon lang sila nagkaroon ng chance na makapagkwentuhan ng matatagal at masyadong personal. siguro kasi may usaping sexuality itong sa HIV/AIDS at pati kung sino-sino ang gumagamit ng condom eh nahalukay during the discussions.
at kahit ako ang organizer cum trainor cum coordinator cum contact person cum lcd/laptop operator cum facilitator cum finance manager cum exercise guru cum videographer cum nanay ni kakai ng seminar na yon eh nagawa ko pang tandaan ang mga persnalidad ng karamihan sa kanila.
1. si m1 - sa lahat ng in-attendan nya saming activities lagi syang may problema o bagahe na dala. with all due respect to her, parang sya yung taong kakambal ang kunsumisyon.
2. g - datihan na din, sya ang crush ng bayan tuwing may activity ang wiseact, sya kasi ang single at most gender sensitive male, (hindi pseudo, hindi quasi). akala mo tahimik pero may kakulitan din...ay, hindi pala. makulit pala talaga.
3. y - twice na syang naka-attend ng training namin, twice na rin na buntis syang nag-attend, twice na syang nagkikwento ng interesting nyang love(less)life
4. n - kamukha sya ni mirage sa 'the incredibles', center of attraction or distraction ang kanyang buhok at ang makapal na eyeglasses. may pagka over-acting kung minsan pero ang di alam ng marami eh loaded sya ng stress dahil sa kanyang breast cancer. so yung mga bad trip sa pagkapakialamera nya eh pinatawad na sya.
5. l - l for lesbian. sya ang lesbianang magaling maglagay ng condom sa t*** (dildo lang naman). ang catch? ang condom galing sa bibig!!!
6. mv - gwapo, matalino, malinis, inquisitive, provocative ang mga tanong at comments. safe sex practitioner. single and unattached at the moment. gay. future partner ko!!
7. or - pag tumingin sya sayo iisipin mong crush ka nya, pailalim, at as in titig ang ginagawa. tahimik at suplado. pero sakin obligado sya ngumiti.
8. r - the silent type, as in silent sya sa buong tatlong araw. intro at eval ko lang sya nadinig magsalita.
9. nl - mukang gambling lord, na corrupt na barangay captain, na taga-tagay ng gin sa kanto, yosi buddy ko. mabait na asawa, at least sa kwento nya
10. d - supladita ang dating, para syang commercial model ng shampoo dahil laging hinahawi ang maganda nyang buhok. mababaw ang luha. kaibigan ni m1. aggressive in an empowered way; type si g. naglibre sa min ng beer.
11. mc - kalahating araw na nga lang nag-attend ng walang confirmation (at nanghingi pa ng kit!!) eh kini-question pa yung process namin. nag-concede naman sya bandang huli pero 15 minutos din nasayang sa kanya.
12. lw - devil's advocate ever, mandatory hiv testing daw para sa lahat ng pinoy, bata, matanda, girl, boy, bakla, tomboy. boss sya sa kanila pero mas malalim pa ang mga tanong ni brosia sa pugad baboy kesa sa mga tanong nya. namimilosopo na lang talaga at sanay na ako na hinahamon nya lagi kung gano ko kaalam pinagsasabi ko. lusot naman ako lagi.
13. rr - too good to be true. sa simula ng seminar eh lagi syan nagre-remark na may positive sa mga participants, sa itsura pa lang daw alam na tapos sa isang activity na kailangan nilang i-identify sino positive sa mga binigay naming pictures eh di daw niya mapili because he couldn't tell from the looks alone. haller!!! kala nya di ko nadinig earlier remarks nya.
14. j - another gender-sensitive guy, tahimik, minsan lang magsalita, eager lagi matuto. na-frustrate sya na di na-meet expectation nyang malaman ang symptoms ng HIV. haller ulit, sinabi na ngang asymptomatic nga ang HIV eh. sus.
at the end of the seminar textmates na sila lahat. at like ko sila lahat.